Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Sabihin sa amin ang iyong lokasyon

Pakipasok ang pangalan ng pinakamalapit na lungsod sa iyo para tulungan kaming ipakita ang tamang impormasyon para sa iyong lugar

Select your language

Mga papuri para sa iyo

Sa pamamagitan ng mga papuri, malalaman mo kung napasaya mo ang araw ng iyong mga rider. Ngayon, pwede ka nang pasalamatan ng rider para sa pagsisikap mong gawing espesyal ang trip niya, mula sa pagiging eksperto sa mga kalsadang dapat daanan hanggang sa pagpapatugtog ng magandang musika.

Tingnan ang mga papuri sa iyo

1

Buksan ang Driver app

2

Pumunta sa Mga Rating

3

I-click ang Mga Papuri ng Rider

I-explore ang mga papuri

All Star na Driver

Sa bawat pasasalamat na matatanggap mo, magkakaroon ka ng entry para sa mga karanasang minsan lang nangyayari sa buhay ng isang fan, na available sa mga piling lungsod.

Matuto pa

Malinis at Maayos

Natutuwa ang mga rider sa malinis na kotse. Kung aalagaan mo nang mabuti ang sasakyan mo, maaaring may magpasalamat sa iyo.

Napakahusay na Serbisyo

Maraming paraan para magbigay ng mahusay na serbisyo. Kung patuloy kang magbibigay ng napakahusay na serbisyo, maaaring mapansin ito ng iyong mga rider.

Kahanga-hangang Pagsisikap

Maaari mong matanggap ang papuring ito kung sa tingin ng rider ay lampas sa inaasahan ang ibinigay mong serbisyo.

Magandang Musika

Nagiging masaya ang pagsakay para sa ilang tao kapag nagpapatugtog ka ng musika sa kotse mo. Lakasan mo lang ang volume kung gusto ito ng iyong rider!

Astig na Kotse

Pwedeng maging astig ang kahit anong kotse. Pwede mong panatilihing malinis, lagyan ng dekorasyon, o gawin anuman ang gusto mo para matuwa rito ang mga rider.

Magiliw na Driver

Gusto bang makipagkwentuhan ng iyong rider? Huwag mag-atubiling patawanin siya.

Ekspertong Pag-navigate

Kung magaling ka sa mga direksyon at ibinabahagi mo ang kaalaman mo sa lugar, pwede itong ipaalam sa iyo ng mga rider.

Magandang Pag-uusap

Mahilig ang ilang rider sa masayang kwentuhan. Huwag mag-atubiling alamin kung gusto nilang makipag-usap.

Maganda ang Mga Amenity

Kung gusto mong mapabilib ang mga rider, pag-isipang magdala ng mga bottled water o meryenda. Maaari mong mapasaya ang araw ng isang tao.

Isang Personal na Pasasalamat

Kung minsan, hindi sapat ang pag-iiwan ng sticker. Sa ilang pagkakataon, maaaring makapagbigay ka ng napakaespesyal na pakiramdam sa isang rider at maisipan niyang bigyan ka ng personal na sulat. Mapapangiti ka talaga!

Isang espesyal na pasasalamat sa mga All Star na driver

Araw-araw, hinahatid ng mga driver ang mga tao kung saan nila kailangang pumunta. Ngayon, magagawa na ng mga rider na magpasalamat at inomina ang driver nila sa pinakaastig na karanasan para sa fan sa pamamagitan ng All Star na Papuri.

Kilalanin ang Mga All Star na Driver

I-invite ang mga kaibigan mo

May account ka na ba?

I-invite ang iyong mga kaibigan na subukan ang Uber at madaragdagan ang kita mo kapag bumiyahe sila.

MAG-INVITE NG MGA KAIBIGAN