Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Sabihin sa amin ang iyong lokasyon

Pakipasok ang pangalan ng pinakamalapit na lungsod sa iyo para tulungan kaming ipakita ang tamang impormasyon para sa iyong lugar

uberPOOL

Sama-sama tayong makakapagtipid

Mina-match ka ng uberPOOL sa mga rider na papunta sa parehong direksyon, kaya mapaghahatian ninyo ang sasakyan at ang gastos.

  • Mga abot-kayang door-to-door na pagsakay
  • Makipag-carpool sa mga kumportableng sedan
  • May maximum na 2 upuan para sa bawat request

Paano gumagana ang uberPOOL

1

Mag-request

Buksan ang Uber app at ilagay ang iyong destination sa kahong Saan papunta. I-tap ang opsyon sa masasakyan na uberPOOL sa ibaba ng screen mo. Pagkatapos, i-tap ang Kumpirmahin ang uberPOOL. Pwede kang mag-request ng uberPOOL para sa hanggang 2 tao.

Makikita mo kung gaano katagal kang maghihintay bago dumating ang iyong driver, pati na rin ang tinatantiyang palugit ng oras bago ka makarating sa destination mo.

2

Sumakay

Tingnan ang mapa sa Uber app habang naglalakad ka papunta sa pickup spot mo. Tiyaking nasa curb ka na bago dumating ang iyong driver para matiyak na hindi mo paghihintayin ang mga nakasakay sa kotse.

Ima-match namin ang iyong kotse sa iba pang rider na papunta sa parehong direksyon. Ganito namin napapababa ang presyo, kaya asahang magkakaroon ng mga karagdagang pag-pick up at/o paghahatid sa trip mo.

3

Bumaba

Bumaba lang sa kotse pagkarating mo sa iyong destination. Awtomatiko naming sisingilin ang fare sa nakatala mong payment method. Kung karapat-dapat sa 5 star ang trip mo, pag-isipang bigyan ng tip ang driver sa app pagkatapos ng iyong trip.

Ano ang naiiba sa uberPOOL

Mga pag-pick up habang nasa biyahe

Maghahanap kami ng mga rider na madaraanan sa route mo para mapuno ang kotse. Batiin nang may ngiti ang mga co-rider mo—sama-sama kayong nakakapagtipid ng pera.

Mas magtatagal ito nang kaunti

Dahil mayroon kang kasamang ibang rider, maaaring mas magtagal bago ka makarating sa destination mo, pero palagi mong makikita sa app ang tinatantiyang oras ng pagdating mo. Kung nagmamadali ka, subukan ang uberX.

Unahang dumating sa pickup ang iyong driver

Maaaring maging kamangha-mangha ang uberPOOL kapag tama ang pag-schedule mo ng iyong pagsakay. Tiyaking nasa curb ka na at handa nang umalis bago dumating ang iyong driver para matiyak na hindi mo paghihintayin ang mga nakasakay sa kotse.

Manatili sa route

Kapag nagsimula na ang iyong trip sa uberPOOL, nakatakda at naka-lock na ang destination mo. Tinutulungan kami nito na tukuyin kung sino pa ang maaaring i-pick up at kung ano ang pinakamainam na route.

Dalawang tao kada grupo

Pwede kang sumakay sa uberPOOL kasama ng isang kaibigan, ngunit kung mahigit 2 kayong magkakasamang sasakay o mayroon kang karagdagang bagahe, mas mainam na mag-request ng uberX o uberXL.

Mga Madalas Itanong (FAQ)

Ang dapat asahan sa pagbiyahe

  • May mapaglalagyan ba ako ng bagahe?

    Depende ito sa kung gaano kaluwag ang kotse at gaano karami ang rider. Kung bumibiyahe ka nang may dalang bagahe, inirerekomenda namin na subukan mo ang uberX.

  • Paano kung mahigit 2 kaming magkakasama?

    Masaya kapag sama-sama! 2 tao lang ang pwedeng sumakay sa uberPOOL sa bawat request, ngunit maaari kayong gumamit ng uberX o uberXL para sa mas malalaking grupo.

  • Gaano katagal ang pag-pick up ng ibang rider?

    Sa average, ilang minuto lang ang nadaragdag ng pagsakay sa uberPOOL sa pangkalahatang tagal ng trip mo. Palagi naming ipapakita sa app ang tinatantiyang oras ng pagdating mo habang nakasakay ka.

  • Nauna akong na-pick up. Bakit ako ang pangalawang ibinaba?

    Ang pagkakasunud-sunod ng pag-pick up at paghahatid ay nakadepende sa kung nasaan ang destination mo sa route, hindi sa kung sino ang unang na-pick up.

  • May limitasyon ba sa kung gaano karaming tao ang ipi-pick up namin sa aking trip?

    Maaaring may mga rider na sasakay at bababa habang bumibiyahe ka. Kung puno na ang sasakyan, hihinto na kami sa paghahanap ng mga karagdagang rider. Bukod pa rito, hihinto kami sa paghahanap ng mga karagdagang rider para matiyak na makakarating ka sa takdang oras.

  • Paano kung mapalayo kami dahil sa co-rider ko?

    Bagama't bahagyang mapapalayo ang ilang pickup at dropoff, sisikapin namin palagi na tiyaking makakarating ka sa oras na ipinapakita sa app.

Handa ka na bang sumakay sa uberPOOL?

Mag-sign up na

uberX

Mga abot-kayang masasakyan para sa araw-araw

uberXL

Mga abot-kayang SUV para sa mga grupong may hanggang 6 na tao

UberSUV

Mga luxury SUV para sa mga grupong may hanggang 6 na tao

UberBLACK

Mga high-end na masasakyang hatid ng mga propesyonal na driver

UberSELECT

Mga high-end na masasakyan sa mga abot-kayang halaga

uberWAV

Mga abot-kayang pagsakay sa mga sasakyang mapapasukan ng wheelchair