Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Sabihin sa amin ang iyong lokasyon

Pakipasok ang pangalan ng pinakamalapit na lungsod sa iyo para tulungan kaming ipakita ang tamang impormasyon para sa iyong lugar

Select your language

Patuloy na Pinapaganda ang Uber Driver App

Makipag-ugnayan sa iyong mga pasahero sa app

Magpadala at tumanggap ng mga mensahe papunta at galing sa mga pasahero mo nang walang bayad sa Uber app!

Pagkatapos tanggapin ang trip, piliin ang 'Contact' option para makausap ang iyong pasahero. Kung naka-enable sa kanila ang chat, madali mo silang makakausap!

Ang bagong in-app navigation ng Uber ay live na sa mga iOS at Android devices!

Ang pinakabagong navigation ng Uber ay may mga feature na idinisenyo para matulungan kang mas madaling makapunta sa mga pick-up at drop-off location nang hindi umaalis sa app!

  • Gabay sa Lane

Alamin kung saang lane pinakamainam dumaan para maging handa ka anumang oras sa susunod na hakbang.

  • Mga direksyon sa bawat pagliko

I-tap ang address bar para makita ang turn-by-turn directions anumang oras.

  • Pumili ng navigation view

Mag-navigate sa view na turn-by-turn, o i-tap ang mapa para makita ang buong ruta mo at ang traffic conditions dito.

  • Subukan ang Uber Navigation

Para subukan ito, pumunta sa settings ng app. I-tap ang Navigation Provider at piliin ang Uber Navigation.

Pinadali na ang multiple stops

Simula ngayong linggo, aabisuhan ka na kapag nagdagdag ng stop ang rider sa kanyang trip.

Sa ganitong paraan, maging ikaw man o ang rider, ay hindi na kakailanganing mag-update ang destination habang nasa biyahe.

Tandaan: ang trip na may multiple destinations ay ituturing na isang trip pa rin at ang trip fare ay base sa kabuuang oras at distansyang biniyahe.

Magsimulang kumita sa Uber

Mag-sign up na