Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Sabihin sa amin ang iyong lokasyon

Pakipasok ang pangalan ng pinakamalapit na lungsod sa iyo para tulungan kaming ipakita ang tamang impormasyon para sa iyong lugar

Select your language

Pagda-drive sa Uber

Bawasan ang paghihintay, dagdagan ang kita

Ginagawa naming mas efficient ang iyong oras sa Uber platform. Alamin kung paano makapupunta mula sa isang dropoff papunta sa susunod na pickup nang hindi naghihintay.

Ano ang No-wait trip?

Pagtanggap ng bagong trip request habang nasa isang trip

Naiintindihan naming nag-o-online ka para mag-drive, hindi para maghintay. Para mabawasan ang inyong waiting time sa pagitan ng mga trips, maaaring automatic na magsend ang inyong app ng bagong trip request kapag palapit na kayo sa destination ng inyong kasalukuyang trip.

Kung tinanggap ninyo ang papasok na request habang may sakay ka pang rider, ibabalik ka sa kasalukuyang trip hanggang sa matapos ito. Pagkatapos ninyong i-swipe ang END TRIP at i-rate ang rider, ididirekta ka ng iyong app sa susunod na pickup location mo." If you accept a new trip request while on a route with a rider, you’ll be directed back to your current trip until it is complete. After you swipe END TRIP and rate your rider, your app will then direct you to your next pick-up location.

Bagong paraan para makatanggap ng request

Bakit mabuti para sa drivers ang back-to-back trips?

Ang no-wait trip request ay isang bagong feature na magpapataas ng inyong efficiency sa platform.

Dahil sa no-wait trip request, maaari kayong magtuloy-tuloy mula sa isang trip patungo sa susunod ng walang downtime. Wala nang hintayan, kailangan mo lang tanggapin ang papasok na request para pwede ka nang dumiretso sa susunod na trip. Dahil dito, dadami ang successful rides ng 5-10%.

Paano ito gumagana?

Habang nasa trip, makatatanggap kayo ng notification para tanggapin ang susunod na request. Mayroon kang 15 seconds para magpasya kung tatanggapin ito o hindi. Pagkatapos niyo itong i-accept, babalik ang screen sa kasalukuyang trip para hindi kayo malito.

Sa sandaling matapos ang kasalukuyang trip, lalabas na kaagad ang detalye ng susunod na trip.

Ano pa ang dapat alamin tungkol sa no-wait trip?

Mga Madalas Itanong (FAQ)

  • Paano kung maraming gustong daanan ang rider at nakatanggap ako ng no-wait trip kahit hindi pa patapos ang kasalukuyang trip?

    Dapat ninyong palaging tinatanong nang magalang ang rider kung final destination na ba ang nilagay sa app o isa lang sa maraming stops.

    Kung hindi, maaaring baguhin ng partner ang final destination sa app. Sa ganitong paraan, maiiwasang ma-assign sa inyo ang no-wait trip kapag malayo pa kayo sa final destination.

  • Malalaman ba ng susunod na rider na may hinahatid pa akong rider at maaaring kailanganin nilang maghintay nang mas matagal?

    Huwag mag-alala. Makatatanggap ng notification ang mga riders sa app. Sinasabi ng Uber sa susunod na rider na kayo ang pinakamalapit na driver sa kanya at na may tinatapos pa kayong trip.

    Malinaw na makikita ng susunod na rider sa kanyang app na may tinatapos pa kayong trip at kung saan ang destination pinupuntahan niyo bago niyo siya ma-pickup.

    Maaari niyo ring i-contact ang rider at magalang na ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon at na maaaring mas matagal ang wait time niya.

  • Masasama ba sa mga incentives ang mga no-wait trip request?

    Katulad ng normal trip, masasama ang mga no-wait trips sa acceptance rate at incentives.

    Dahil dito, mas mainam kung tatanggapin ninyo ang lahat ng mga trip notifications para maiwasan ang hindi pag-qualify sa weekly incentives.

Friendly Reminder

  • Mahalaga ang pagpapanatili ng mataas na acceptance rating. Kung patuloy na ire-reject ng partner ang requests para sa no-wait trips, maaari itong magdulot ng temporary cool-down.

  • Ang feature na ito ay automatic na naka-enable. Para mag-offline pagkatapos mag-complete ng isang trip, i-tap ang "Stop new requests".

Handa nang makipag-partner sa Uber? Ang unang hakbang ay mag-sign up

MAG-SIGN UP PARA MAKAPAG-DRIVE