Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Sabihin sa amin ang iyong lokasyon

Pakipasok ang pangalan ng pinakamalapit na lungsod sa iyo para tulungan kaming ipakita ang tamang impormasyon para sa iyong lugar

Select your language

Inuuna ang mga driver
Isang karanasang binuo para sa iyo

Sa Uber, ikaw ang may kontrol. Nilagyan ang app para sa mga driver ng mga feature na tumutulong sa iyo na magpasya kung paano, saan, at kailan ka kikita.

Mga Kinita
Sulitin ang pagda-drive

Subaybayan ang iyong mga kinita

Makakakita ka ng mga eksaktong fare pagkatapos ng bawat trip at makakakuha ka ng mga detalyadong ulat ng lingguhang kita para malaman mo kung magkano ang maiuuwi mo at kapag naaabot mo ang iyong mga layunin.

Mga mapagkakakitaang lugar

Siguraduhing nasa tamang lugar ka sa tamang panahon gamit ang live na mapa na nagpapakita ng mga lugar kung saan may matinding pangangailangan para sa mga masasakyan ang mga rider.

Bawasan ang downtime

Madalas na magpapadala sa iyo ang driver app ng mga bagong trip request kapag papalapit ka na sa destination ng iyong rider para matulungan kang masulit ang oras na ginugugol mo sa pagda-drive.

Cash kapag kailangan mo ito

Electronic ang mga payment sa Uber. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga detalye ng bank account mo, linggu-linggo kang makakatanggap ng mga payment. Maa-access mo ang iyong mga pay statement anumang oras sa pamamagitan ng pagbisita sa iyong partner dashboard.

Kaginhawaan
Hayaang ang app ang maging gabay mo

Navigation sa bawat pagliko

Pinapadali ng app ang paghahanap sa daraanan mo. Kumuha ng mga direksyon sa bawat pagliko patungo sa pickup location at destination ng rider mo para maituon mo ang lahat ng atensyon mo sa daan.

Malalapit na gasolinahan

Ipinapakita sa iyo ng mapa ang mga pinakamalapit na gasolinahang may mga pinakamababang presyo at pampublikong palikuran para sa mga pagkakataong kailangan mong magpahinga.

Komunikasyon
Feedback para sa tagumpay

Manatiling may kaalaman

Makatanggap ng mga naka-customize na update tungkol sa mga lokal na event at promo sa iyong lungsod, at ng mga tip sa kung paano ibigay ang pinakamagandang karanasan sa Uber.

Mga komento ng rider

Gamitin ang seksyon ng mga rating para malaman kung ano ang nagugustuhan ng mga tao sa kanilang mga 5-star na trip, at alamin kung bakit nagbibigay ng mabababang rating ang mga rider para makapagpasya ka kung ano ang dapat mong gawin ayon sa mga ito.

Mag-sign up
Mag-sign up

Mag-drive sa Uber at kumita ayon sa sarili mong kagustuhan.


Nakapag-sign up ka na ba?

I-invite ang iyong mga kaibigan na subukan ang Uber at madaragdagan ang kita mo kapag bumiyahe sila.

Mag-invite ng mga kaibigan