Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Sabihin sa amin ang iyong lokasyon

Pakipasok ang pangalan ng pinakamalapit na lungsod sa iyo para tulungan kaming ipakita ang tamang impormasyon para sa iyong lugar

Select your language

Paano gumagana ang surge pricing

Alamin kung paano nakakatulong ang surge pricing sa mabilis na pagkonekta ng bawat isang taong nangangailangn ng Uber car at driver para tumulong sa kanilang makarating sa paroroonan.

Ano ang surge pricing?

Paano ito gumagana

Lumalaki ang demand para sa rides

May mga pagkakataon na masyadong maraming tao ang nagrerequest ng rides at hindi sapat ang mga sasakyang nasa kalsada. Masamang panahon, rush hour at special events ay ilan lamang sa mga pagkakataon kung kailan di pangkaraniwan ang dami ng taong nagrerequest ng Uber rides.

Tumataas ang presyo

Sa mga panahong may malaking demand, tumataas ang trip fares para siguruhing may masasakyan ang sinumang nangangailangan ng ride. Ang sistemang ito ay tinatawag na surge pricing at ito ang tumutulong sa atin maging reliable na option.

Magbabayad ng mas malaki ang rider o maghihintay siya

Tuwing tumataas ang trip fares dahil sa surge pricing, pinapaalam namin ito sa riders sa app. May mga riders na pinipiling magbayad, at meron din namang mga riders na pinipiling maghintay ng ilang minuto kung bababa ang presyo.

Paano ang pag-compute ng surge prices?

Pag tumataas ang presyo, makikita mo sa mapa ang multiplier na dinadagdag sa standard rate. Halimbawa, maaari kang makakita ng surge na 1.8x or 2.5x. Ito ay minumultiply sa base fare kaya ang fare na dating ₱100 ay magiging ₱180 kapag 1.8x ang Surge. Hindi nagbabago ang percentage service charge ng Uber kapag may surge pricing.

Dahil real-time ang pag-update sa fares base sa demand, maaaring mabilis magbago ang surge. Ang surge pricing ay nakadepende sa iba't ibang lugar, kaya maaaring may mga lugar na may surge pricing habang wala naman sa iba.

Makikita sa surge pricing sa mapa kung anong presyo ang gagamitin para sa mga riders na gumagamit ng app sa isang area. Sa lokasyon ng rider nakadepende ang surge pricing ng isang trip at hindi sa lokasyon ng driver. Makikita mo sa driver app kung magkano ang surge na meron ang isang trip bago ka magdesisyon kung tatanggapin mo ba ang trip request o hindi.

Paano malalaman kung may surge sa app

Kapag tumaas ang demand sa isang area, magbabago ang kulay nito sa mapa. Maaari kang mag-zoom sa area na may kulay para makita ang surge pricing.

Ang kulay na ginagamit ay may range na light orange hanggang dark red. Ang light orange na area ay para sa maliliit na multiplier habang dark red naman ang para sa malalaki.

Makikita mo sa driver app kung magkano ang surge na meron ang isang trip bago ka magdesisyon kung tatanggapin mo ba ang trip request o hindi.

Handa ka na bang kumita? Mag-sign up at mag-drive na

MAG-SIGN UP DITO