Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Sabihin sa amin ang iyong lokasyon

Pakipasok ang pangalan ng pinakamalapit na lungsod sa iyo para tulungan kaming ipakita ang tamang impormasyon para sa iyong lugar

Select your language

Driver-partner destination

Pagtanggap ng request on the way

Sa pamamagitan ng driver destination, maaaring pumili ang driver-partners tulad mo kung saan kayo papunta para makahanap kami ng trip na pareho ang daan. Maging excited dahil ang feature na ito ay makakatulong sa iyong makarami ng trips kahit pauwi ka na.

Paano ito gumagana?

1

Mag-set ng destination

Gamitin ang feature na ito para mag-set ng personal destination sa Uber app kung gusto mong makatanggap lamang ng trip requests na papunta sa parehong direksyon.

2

Paghanap ng malapit na request

Magsimulang bumiyahe patungo sa iyong destination – automatic na susuriin ng Uber ang trip requests sa iyong daan.

3

Kumita on the way

Pauwi ka man sa dulo ng araw o kaya ay may aasikasuhin sa isang lugar, maaari mo nang pagkakitaan ang trips na ito.

Paano mag-set ng destination?

Madali lang, sundan ang 3 quick steps na ito:

  • Mag-online at i-tap ang menu icon sa itaas ng app.
  • I-tap ang "SET A DESTINATION".
  • Pumili ng saved location o mag-search ng bagong address.

PAALALA:

  • Hindi ka maaaring mag-set ng destination sa gitna ng isang trip.
  • Dahil hindi lahat ng riders ay may parehas na destination sa iyo, maaaring matagalan bago ka makatanggap ng trip request.

Mga madalas tanungin

Gaano kadalas ako pwede mag-set ng destination?

Hanggang dalawang beses ka lang pwede mag-set ng destination sa isang araw. Ikaw man ay pauwi na o kaya ay patungo sa high demand na area, maaari kang mag-set ng destination para kumita habang papunta doon.

Paalala: Kapag mas malayo ang destination na iyong pinili, maaaring mas maramig trips ang pumasok na may parehong ruta o kaya ay malapit sa iyong destination.

Paano ang pag-compute ng trip fares?

Dynamic pricing pa rin ang gagamitin sa pag-compute ng trip fares dito. Anumang trip na makumpleto mo habang nasa Driver Destination mode ay kasama pa rin sa bilang para sa incentives o promotions.

Pwede ba itong gamitin sa uberX o UberBLACK?

Maaari kang mag-set ng destination ano man ang minamaneho mo, uberX man o UberBLACK.

Parehong-pareho ba ang magiging destination ng rider?

Hindi kinakailangan. Kapag nag-set ka ng destination sa app, makakatanggap ka lang ng trip requests na pareho ang ruta o malapit sa iyong destination. Tinitiyak din naming ang pickup locations ay hindi lalayo sa iyong dinadaanan.

Handa ka na bang kumita? Mag-sign up at mag-drive na

MAG-SIGN UP DITO