Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Sabihin sa amin ang iyong lokasyon

Pakipasok ang pangalan ng pinakamalapit na lungsod sa iyo para tulungan kaming ipakita ang tamang impormasyon para sa iyong lugar

Select your language

Ang alok namin

Simula pa lang ang pagbabago ng paraan ng pag-request ng mga masasakyan at paraan ng pagbiyahe mula sa point A papunta sa point B.

On demand na access sa mga masasakyan

Nagbibigay sa mga rider—at driver—ng kapangyarihang makapunta sa gusto nilang puntahan

Mula sa mga opsyon sa navigation na madaling unawain hanggang sa mga cashless na payment, idinisenyo ang app para makatulong sa mga taong makarating sa kanilang mga destination.

Mabilis na naghahatid ng pagkain

UBER EATS

Inihahatid ang pagkaing gusto mo

Mag-order mula sa mga paborito mong restaurant, online o in-app. Ihahanda ng mga restaurant ang iyong order, at isang Uber delivery partner na nasa malapit ang maghahatid nito sa iyong bahay.

MGA PARTNER NA RESTAURANT

Mabilis na pagdadala ng pagkain sa iyong mga customer

May makabuluhang epekto ang Uber Eats sa iyong negosyong restaurant. Kapag itinampok ang pagkain mo sa app, maaari itong matuklasan ng mga bagong customer at mas madalas na ma-order ng matatagal mo nang customer. Mabilis na naihahatid ng mga delivery partner ang pagkain gamit ang Uber app, habang pinapanatili ang pinakamagandang kalidad ng pagkain.

Tinutulungan sa paglago ang mga negosyo

UBER FREIGHT

Flexible na shipping, anumang oras

Ang Uber Freight ay isang libreng app na nagma-match ng mga carrier sa mga shipper. Isang tap ng button lang ang kailangan ng mga shipper para instant na i-book ang mga item na gusto nilang ipadala. At salamat sa upfront na presyo, alam palagi ng mga carrier kung magkano ang ibabayad sa kanila.

UBER FOR BUSINESS

Pinapasimple ang pagpapatakbo ng iyong negosyo

Ito man ay biyahe ng empleyado o pagsakay ng customer, hatid sa iyo ng Uber for Business ang madaling paraan ng pamamahala ng iyong mga pangangailangan sa transportasyon. Dahil ginawa para sa trabaho, nag-aalok ito ng malinaw na view sa aktibidad ng trip ng empleyado gamit ang automated na billing, paggasta, at pag-uulat.

Binabago ang kinabukasan ng autonomous na teknolohiya sa transportasyon

ADVANCED TECHNOLOGIES GROUP

Ang daan tungo sa mga self-driving na sasakyan

Nakatuon ang innovative na team na ito sa pagbuo ng mga ligtas, maaasahan, at sulit na teknolohiya sa self-driving. Sa pamamagitan ng mga team sa Detroit, Pittsburgh, San Francisco, Tempe, at Toronto, naihahatid ng pangkat ang mga self-driving car at freight truck sa Uber network.

UBER ELEVATE

Ang kinabukasan ng urban air transport

Pinag-aaralan na ng Uber Elevate ang mga pagsubok na kailangan naming masolusyonan para maging reyalidad ang pang-araw-araw na air transportation. Pinaninindigan ng Elevate ang misyon nito para sa malawakang pagbabago sa ating mga buhay—tulad ng mas mabilis na pag-commute araw-araw, mas maluwag na trapiko, at mas malinis na hangin.

Pagbibigay-daan sa mas accessible na pangangalagang pangkalusugan

UBER HEALTH

Mga maaasahan at kumportableng pagsakay para sa mga pasyente

Nakikipagtulungan kami sa mga organisasyon sa pangangalagang pangkalusugan para makapaghatid ng mga flexible na opsyon sa pag-iiskedyul ng masasakyan para sa mga pasyente, caregiver, at staff. Ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ay maaaring mag-iskedyul ng mga masasakyan para sa mga pasyente at caregiver na pupunta at manggagaling sa pangangalagang kailangan nila, lahat ng ito sa iisang dashboard.

Ang aming mga pinakabagong alok

Uber Bike

Gamitin ang Uber app para mag-rent ng madaling gamiting electric assist bike na hatid ng JUMP. Sa kasalukyan, available ang Uber Bike sa San Francisco at Washington, DC.