Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Sabihin sa amin ang iyong lokasyon

Pakipasok ang pangalan ng pinakamalapit na lungsod sa iyo para tulungan kaming ipakita ang tamang impormasyon para sa iyong lugar

Select your language

Paano gumagana ang Uber

Ang on-demand na teknolohiya sa transportasyon ay ang aming pangunahing serbisyo at ginagawa itong posible ng app na kinokonekta ang mga driver-partner at rider. Ganito ito sunud-sunod na gumagana:

HAKBANG 1

Bubuksan ng rider ang app

Ilalagay ng rider ang kanyang destination sa kahon na Saan pupunta? sa itaas ng screen; ita-tap niya ang bawat opsyon sa masasakyan para makita ang tagal ng paghihintay, mga laki ng kotse, at presyo; pagkatapos ay kukumpirmahin niya ang pickup location at ita-tap ang I-request.

HAKBANG 2

Mina-match ang rider sa isang driver

Makikita at pipiliing tanggapin ng isang driver sa malapit ang trip request ng rider. Awtomatikong aabisuhan ang rider kapag humigit-kumulang isang minuto na lang ang layo ng sasakyan ng driver.

HAKBANG 3

Ipi-pick up ng driver ang rider

Vine-verify ng driver at rider ang pangalan ng bawat isa at ang destination. Pagkatapos ay sisimulan ng driver ang pagsakay.

HAKBANG 4

Ihahatid ng driver ang rider papunta sa destination

Nagbibigay ang app ng opsyon sa driver na i-access ang mga direksyon sa bawat pagliko nang sa gayon ay makatuon ang driver sa daan papunta roon at para makapag-enjoy ang rider sa kumportableng pagsakay.

HAKBANG 5

Nagbibigay ng mga rating at review ang driver at rider

Sa katapusan ng bawat trip, maaaring i-rate ng mga driver at rider ang bawat isa mula 1 star hanggang 5 star. Ang mga rider ay maaari ring magbigay ng mga papuri sa driver at magdagdag ng tip para maipakita ang kanilang pasasalamat.

Mag-sign up ngayong araw

Handa ka na bang maranasan mismo ang Uber? Sumakay sa iyong unang trip bilang rider o magsimulang bumiyahe at kumita bilang driver.

Rider app

Makarating sa pupuntahan mo nang maayos at walang kahirap-hirap sa pamamagitan ng pagpindot sa button. Piliin ang opsyon sa masasakyang pinakanaaangkop sa iyong mga pangangailangan.

Driver App

Sa Uber, ikaw ang may kontrol. Nilagyan ang app para sa mga driver ng mga feature na nagbibigay sa iyo ng kakayahang magpasya kung paano, saan, at kailan kikita.